Linggo, Marso 11, 2018

JULIAYBARRA


Ang nobelang El Filibisterismo o Ang paghahari ng kasakiman ay ang pangalawang nobelang isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na si Jose Rizal


Si Kabesang Tales ay unang umunlad sa kanilang lugar dahila sa kanyang kasipagan kagandahang-asal. Inangkin ng mga prayle ang lupaing pinaunlad ni Kabesang Tales. Taong matimpi si Kabesang Tales pumayag na lamang siya kahit ito ay kinabuhayan niya. Hindi nakontento ang mga  prayle. Kaya't tinaasan nila ang buwis taon-taon pero dahil sa inaabuso na ang kanyang kabaitan hindi na siya bumabayad. Natalo siya sa usapin at dahil sa kanyang paglaban ay ibinigay ng korporasyon sa iba ang pinaghirapan niyang sakahan. Dahil sa pait at kawalang-katarungan naranasan ay idinaan na lamang ni Kabesang Tales sa sariling mga kamay ang paglaban at paghihiganti.

Tauhan ng Kabanata 4: Si Kabesang Tales

Ama ni Kabesang Tales at hamak na magsasaka 
Isang magsasaka

Anak ni Kabesang Tales at 
kasintahan ni Basilion



Sa lupa ni Kabesang Tales may mga gulay ito at ito lupa na nakapagbigay ng mga kailangan ng kanyang pamilya. 


  1. Ang problema nito ang nakialam sa buhay o trabaho ni Kabesang Tales kagaya ng pagsisingil ng buwis sa kanyang mismong lupain. Hindi gusto ng mga prayle na umunlad ang mga indio kagaya ni Kabesang Tales.
  2. Nakulong si Kabesang Tales dahil sa pakikipag-away sa mga prayle kaya naghirap sila kagaya ni Juli na walang pera para makawala ang kanyang ama. 

Ngayon pareho pa rin may mga makasariling pinuno na nakapagbigay ng kahirapan sa mga tao. Ang pagpinuno nila kagaya ngayon ay noon ay magkapareho lamang na hindi tinutulungan ang mga taong naghihirap. Hindi pantay ang kanilang pagtrato.

May mga taong mabuti kagaya ni Kabesang Tales, tinaggap na lamang niya na babayad siya ng buwis pero may limitasyon din ang bait ni Kabesang Tales kagaya ng pagaabuso ng mga prayle na taasan ang kanyang buwis kaya lumaban siya. Alam nating may pinuno na makasarili kapag tayo ay kinalaban dapat lumaban para sa pamilya o Ipinakita ni Kabesang Tales na marunong lumaban, makipagtunggali ng mga prayle para protektahan ang sarili at ang kastila ay takot na baka ang mga Pilipino umuunlad o may magandang buhay kaya inaapi sila.